Kalamidad

Ano ang mga Dapat Gawin sa Panahon ng Kalamidad?
Ang kalamidad ay isang pangyayari na hindi maaaring iwasan ngunit maaaring paghandaan. Isa itong pangyayari na kumikitil ng maraming buhay at sumisira ng milyun-milyong halaga ng ari-arian. Ang mga kalamidad tulad ng baha, lindo, landslide, tsunami at buhawi ay nag-iiwan ng napakalaking pinsala sa ating lahat.
Maaari tayong maghanda bago pa man dumating ang sakuna. Ilan sa mga paghahanda na maaari nating gawin ay ang mga sumusunod: pag-iimbak ng maraming pagkain, malinis na inuming tubig, malinis na mga damit, powerbank para sa mga cellphone at mga kandila o lampara kung sakaling mawalan ng kuryente.  Mahalaga rin ang panonood sa telebisyon at pakikinig sa radyo ng balita para maging updated sa mga pangyayari bago pa man dumating ang kalamidad nang sa gayon ay mabigyan agad ng abiso ang miyembro ng pamilya na hindi panakakauwi sa bahay. Siguraduhin rin nasa loob ng bahay ang mga bata upang maiwasang masaktan ang sinuman sa kanila sa oras ng kalamidad. Ang pinaka-mahalaga sa lahat, ay huwag magpanik upang manatiling malinaw ang isipan at maiwasan ang mga sakuna.
Maiiwasan ang malaking pinsala ng kalamidad kung tayo ay magiging responsableng mamamayan. Matuto sana tayong magtapon ng basura sa tamang lugar at ihiwalay ang mga plastic nang sa ganoon ay hindi bumara ang mga ito sa sa mga daluyan ng tubig na nagiging sanhi ng matinding pagbaha. Malaking tulong rin ang pagtatanim ng mga puno upang maiwasan ang pagbaha, maging ang pagguho ng lupa o soil erosion. Kung lahat tayo ay magiging responsable, sama-sama nating malalampasan ang anumang kalamidad na dumating sa ating bansa.

Narito ang halimbawa ng mga kalamidad at ang kanilang kahulagan na maaaring makatulong sa atin upang malaman kung paano natin ito mapag-hahandaan:

LINDOL:

Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiyang seismiko. Madalas, ang mga lindol ay sanhi ng pag-galaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo (crust). Ang enerhiyang lumalabas ay sumasanga sa lahat ng direksiyon mula sa kanyang pinanggalingan, ang pokus, sa anyo ng mga seismikong alon. Ang anyo ng mga seismikong alon ay maihahalintulad sa anyo ng payapang tubig na hinulugan ng isang bato. Kahit na ang enerhiya ay mabilis na nababawasan habang ito ay papalayo sa pokus, may mga sensitibong kagamitan na nakatalaga sa iba’t ibang panig ng mundo para itala ang mga pangyayaring may kinalaman sa pagyanig ng lupa.

Ang malakas na enerhiya na nilalabas ng mga atomikong pagsabog o ng mga pagputok ng bulkan ay maaring makapagdulot ng lindol, ngunit ang mga pangyayaring ito ay maituturing na mahina at madalang. Mayroong sapat ng patunay na ang mundo ay hindi isang statik na planeta. Ayon din sa ilang pag-aaral, ang pang-ibabaw na kalatagan ng mundo ay umaangat paminsan-minsan. Patunay dito ang mga ilang sinaunang parte ng kalatagan ng mundo na noon ay nasa mababang lugar na ngayon ay may ilang metro na angat sa pinakamataas na antas ng alon. Sa kabilang banda naman, ay may pagkakataon din na nagkakaroon ng matinding pagbaba ng lupa. Karagdagan sa mga patayong pag-iiba na mga nabanggit ang pagkawala ng pagkakahanay ng mga bakuran o kalsada, at iba pang mga struktura na nagpapakita ng pahalang na paggalaw. Ang mga paggalaw na ito ay karaniwang maikakabit sa malalaking bitak sa pang-ibabaw na kalatagan ng mundo na tinatawag na fault.

Ayon sa mga siyentipikong nag-aaral ng seismolohiya, mayroong mga paraan upang masukat ang laki ng isang lindol – katindihan (Ingles: intensity) at kalakasan (Ingles: magnitude). Ang katindihan ay tumutukoy sa antas ng pinsala sa isang lugar na dulot ng isang lindol. Sa pagkakaroon ng mga seismograpo, naging malinaw ang pagkakaroon ng siyentipikong paraan ng pagsusukat batay sa seismikong talaan sa halip na paggamit ng mga walang katiyakang pansariling taya at opinyon na nakabatay lamang sa pinsala. Ang paraan ng pagsukat na ito ay tinatawag na kalakasan. Ito ay nakabatay sa masusing pagsusuri ng mga datos mga seismikong tala (at iba pang mga pamamaraan) para matantiya ang kabuuang halaga ng enerhiyang inilabas sa pinagmulan ng lindol.

KONTING KAALAMAN TUNGKOL SA LINDOL:

  1. The National Earthquake Information Center (NEIC) records an average of 20,000 earthquakes every year (about 50 a day) around the world. There are, however, millions of earthquakes estimated to occur every year that are too weak to be recorded.
  2. Almost 80% of all the planet’s earthquakes occur along the rim of the Pacific Ocean, called the “Ring of Fire”; a region that encircles the Pacific Ocean and is home to 452 volcanoes (over 75% of the world’s active and dormant volcanoes).
  3. The largest recorded earthquake in the world was a magnitude 9.5 in Chile on May 22, 1960
  4. Alaska is the most earthquake-prone state and one of the most seismically active regions in the world. The region experiences a magnitude 7.0 earthquake almost every year and a magnitude 8.0 or greater earthquake approximately once every 14 years.


STORM SURGE:

Ano ang storm surge? Ang storm sugre ay ang abnormal na pagtaas ng tubig dagat na associated ng low pressure weather system gaya ng tropical cyclones at strong extratropical cyclones.

Ito ay sanhi ng high winds na tumutulak sa surface ng dagat. Ang malakas na hangin ang naging dahilan upang magkumpol ang tubig na mas mataas kaysa sa ordinary sea level.

Iba naman ang storm surge sa storm tide. Sa storm tide ang water level ay tumataas dahil sa kombinasyon ng storm surge at astronomical tide.

Sa storm surge at storm tide ay parehong maaaring makaranas ng matinding pagbaha sa coastal areas at maging sa karatig na pook lalo na kung ang dalawa ay masasabay sa normal high tide.

KONTING KAALAMAN TUNGKOL SA STORM SURGE:

1. A SURGE IS A SUDDEN INUNDATION OF SEA WATER.

The strong winds of a landfalling tropical cyclone thrust it inland. The flooding that results from storm surges is only a few feet deep most of the time, but the worst surges—like those seen in Hurricane Katrina—can exceed 20 feet or higher. A storm surge comes up quickly and can push water miles inland in the most vulnerable spots during the strongest storms.

2. THEY’RE NOT CAUSED BY HURRICANES ALONE.

Hurricanes are most closely associated with storm surges, but they’re not the only storms that can push water inland. Tropical depressions and tropical storms can also inundate coastlines if their winds are strong enough. Powerful winter storms can also generate a life-threatening storm surge. A blizzard that hit the east coast in January 2016 produced a storm surge in Cape May, New Jersey, that was slightly higher than the one recorded there during Hurricane Sandy a few years earlier. 

PAGGUHO NG LUPA o LANDSLIDE:

Ang mga Pagguho ng lupa (landslide) ay maaaring maganap sa lahat ng lugar sa mundo at maaaring dulot ng iba’t-ibang bagay kasama na ang mga lindol, bagyo, pagsabog ng bulkan, sunog at ng pagbabagong ginagawa ng tao sa lupa. Ang mga pagguho ng lupa ay mabilis na nangyayari, madalas ay walang babala at ang pinakamahusay na paghahanda ay ang manatiling nakababatid tungkol sa mga pagbabago sa loob at labas ng iyong tahanan na maaaring maghudyat na maaaring maganap ang pagguho ng lupa.

Sa isang pagguho ng lupa, maraming bato, lupa, o debris (kalat) ang bumababa sa nakahilig na bahagi ng lupa. Ang debris at putik na dumadaloy ay isang ilog ng bato, lupa, at iba pang debris na basang-basa ng tubig. Nabubuo ito kapag mabilis na naiipon ang tubig sa lupa kapag malakas ang pag-ulan na bumabago sa lupa at ginagawa itong isang dumadaloy na ilog ng putik o “slurry.” Maaaring dumaloy ito nang mabilis, nakagugulat at walang babala na kasingbilis pa ng avalanche (pagguho ng snow). Maaari rin itong dumaloy nang ilang milya mula sa pinanggalingan, at lumalaki ang sukat habang humuhugot ng mga puno, malalaking bato, kotse at iba pang bagay.

KONTING KAALAMAN TUNGKOL SA LANDSLIDE:

  1. Every year, landslides in the U.S. cause roughly $3.5 billion in damage and kill between 25 and 50 people.
  2. The May 1980 eruption of Mount St. Helens caused the largest landslide in history. A rockslide debris avalanche large enough to fill 250 million dump trucks to the brim traveled about 14 miles, destroying, amoung many things, nine highway bridges.
  3. There have been many landslides throughout the years including the Rio de Janeiro landslide in 2011 which caused over 600 deaths.


PAGPUTOK NG BULKAN:

Ang bulkan ay isang bundok na may bukana na paibaba sa isang imbakan ng tunaw na bato sa iallim ng balat ng lupa. Hindi tulad ng ibang bundok, na itinutulak paitaas mula sa ibaba ang mga bulkan ay mga singawan kung saan tumatakas ang mga tunaw na bato paakyat sa balat ng lupa. Kapag naging napakalakas ng presyon mula sa mga gas sa loob ng mga tunaw na bato, may pagsabog na nagaganap. Ang mga pagsabog ay maaaring maging tahimik o sumasambulat. Maaaring magkaroon ng pagdaloy ng lava, napipitpit na anyong lupa, nakalalason na gas, at lumilipad na bato at abo na kung minsan ay imaabot ng daan-daang milya pababa ng ihip ng hangin.

Dahil sa tindi ng init nito, ang pagdaloy ng lava ay napakalaking panganib ng sunog. Sinisira ng dumadaloy na lava ang lahat ng haharang dito, ngunit karamihan ay mabagal ang pagdaloy kaya nakakalayo ang mga tao.

Ang sariwang abo nagawa sa nadurog na bato, ay maaaring magaspang, acidic, mabuhangin, may gas at may amoy. Bagaman hindi mapanganib sa karamihang matatanda, ang acidic na gas at abo ay maaaring makapagdulot ng pinsala sa baga ng maliliit na sanggol, hanggang sa mas nakatatanda at sa mga nagdurusa mula sa malulubhang karamdaman sa paghinga. Ang abong mula sa bulkan ay maaari rin makasira ng makinarya, kasama na ang mga makina at kagamitang de-kuryente. Ang natipong abo na humalo sa tubig ay nagiging mabigat at maaaring makasira ng mga bubong. Ang abo mula sa bulkan ay maaaring makaapekto sa mga taong daan-daang milya ang layo mula sa bibig ng bulkan.

Ang mga pagsabog ng bulkan na pagilid, na tinatawag na mga “lateral blast,” ay nakapagbubuga ng malalaking tipak ng bato nang napakabilis na aabot nang ilang milya ang layo. Ang mga pagsabog na ito ay nakamamatay sa pamamagitan ng pagtama, paglubog o init. Kilala ang mga ito na nakapagpapatumba ng mga buong kagubatan.

Ang mga pagsabog ng bulkan ay maaaring sabayan ng iba pang likas na panganib, kasama na ang mga lindol, pagdaloy ng putik at mga flash flood, pagkahulog ng bato at mga pagguho ng lupa, acid rain, sunog, at (kung akma sa mga kondisyon) mga tsunami.

Kadalasang matatagpuan ang bulkan sa dalawa o tatlong plato na naghiwalay o nagdikitan. Isang mid-oceanic ridge, katulad ng Mid-Atlantic Ridge, ay mayroong mga bulkan na nabuo dulot ng paghihiwalay ng mga plato; ang Pacific Ring of Fire ay mayroong mga bulkan na nabuo dulot ng pagdidikit ng mga plato. Hindi naman nabubuo ang mga bulkan sa pagdulas ng ng mga plato (tulad ng San Andreas fault).

KONTING KAALAMAN TUNGKOL SA PAGPUTOK NG BULKAN o VOLCANIC ERUPTION:

1.Volcanoes can Grow Quickly:

Although some volcanoes can take thousands of years to form, others can grow overnight. For example, the cinder cone volcano Paricutin appeared in a Mexican cornfield on February 20, 1943. Within a week it was 5 stories tall, and by the end of a year it had grown to more than 336 meters tall. It ended its grown in 1952, at a height of 424 meters. By geology standards, that’s pretty quick.

2.The Tallest and Biggest Volcanoes on Earth are side by side:

The tallest volcano on Earth is Hawaii’s Mauna Kea, with an elevation of 4,207 meters. It’s only a little bigger than the largest volcano on Earth, Mauna Loa with an elevation of only 4,169 meters. Both are shield volcanoes that rise up from the bottom of the ocean. If you could measure Mauna Kea from the base of the ocean to its peak, you’d get a true height of 10,203 meters (and that’s bigger than Mount Everest).

3.The Most Distant Point from the Center of the Earth is a Volcano:

You might think that the peak of Mount Everest is the most distant point from the center of the Earth, but that’s not true. Instead, it’s the volcano Chimborazo in Ecuador. That’s because the Earth is spinning in space and is flattened out. Points at the equator are further from the center of the Earth than the poles. And Chimborazo is very close to the Earth’s equator.

TSUNAMI:

Ang sunami o tsunami ay mga sunod-sunod na alon na nabuo kapag ang isang bahagi ng tubig, tulad ng karagatan, ay mabilis nabago ng malakihan. Ang mga lindol, malaking pagkilos ng tubig, sa ibabaw man o sa ilalim, pagputok ng bulkan at iba pang uri ng pagsabog sa ilalim ng dagat, pagguho ng lupa, malaking pagtama ng kometa at pagsusubok ng mga kagamitang nukleyar sa karagatan ay maaaring makabuo ng tsunami. Ang epekto ng tsunami ay mapapansin at napakahina

KONTING KAALAMAN TUNGKOL SA TSUNAMI:

  1. About 80% of tsunamis happen within the Pacific Ocean’s “Ring of Fire.”
  2. Tsunamis can travel at speeds of about 500 miles or 805 kilometers an hour, almost as fast as a jet plane.
  3. Tsunamis retain their energy, meaning they can travel across entire oceans with limited energy loss.
  4. In 2004, the Indian Ocean tsunami was caused by an earthquake with the energy of 23,000 atomic bombs. After the earthquake, killer waves radiating from the epicenter slammed into the coastline of 11 countries. The final death toll was 283,000.


WILDFIRE:

Ang wildfire ay isang hindi matabanan o makontrol na sunog o apoy na nagaganap sa kanayunan o sa kagubatan at kasukalan.Batay sa uri ng mga halaman o behetasyon o panggatong, maaari ring gamitin ang mga pangalang sunog sa palumpungan, sunog sa kagubatan, sunog sa damuhan, sunog sa kaburulan, sunog sa kabundukan, sunog sa halamanan, sunog sa ulingan (pook na may mga nakabaong halamang nagagawang uling) o sunog sa kasukalan, upang ilarawan ang kaparehong kaganapan. Naiiba ang sunog sa gubat mula sa iba pang mga sunog sa pamamagitan ng sukat nito, ang bilis ng pagkalat nito mula sa talagang pinagmulan o pinanggalingan nito, ang kakayanan nitong magbago ng patutunguhan o pupuntahang hindi inaasahan at tumalon sa mga puwang o lumaktaw, katulad ng pagtalon sa mga lansangan, mga kailugan, at mga pook na walang apoy.Nilalarawan ang mga sunog sa gubat sa pamamagitan ng kanilang mga katangiang pisikal katulad ng bilis ng pagpaparami, pagkalat, o propagasyon; ang umiiral na materyal na nagdiringas o nag-aapoy; ang epekto ng klima at panahon sa apoy; at ang sanhi ng pagsiklab o ignisyon.

Nangyayari ang mga sunog sa kagubatan sa lahat ng mga kontinente maliban na lamang sa Antartika. Naglalaman ang mga rekord o tala sa kusilba o posil at kasaysayan ng tao ng mga salaysay ukol sa mga sunog sa gubat, na maaaring paulit-ulit na mga pangyayari.Nakapagdurulot ang mga sunog sa gubat ng malaki o malawak na kapinsalaan, kapwa sa mga ari-arian at buhay ng tao, ngunit mayroon din silang sari-saring mga epektong nakabubuti sa mga pook na magubat o masukal. Ilan sa mga uri ng halaman ang nakasalalay o nakadepende sa mga epekto ng sunog upang lumaki, lumago, at makapagparami (reproduksiyon),bagaman maaaring magkaroon ng mga epektong ekolohikal ang malalaking mga sunog sa gubat.

Naging sari-sari ang mga estratehiya sa pag-iwas, pagpuna, at pagpigil ng sunog sa gubat sa paglipas ng mga taon, at hinihikayat ng mga dalubhasa sa pandaigdigang pamamahala ng sunog sa gubat ang pagpapaunlad pa ng teknolohiya at pananaliksik.Maaaring magpahintulot o maging manghikayat ng mas maliliit na mga sunog sa ilang rehiyon ang pangkasalukuyang mga kaparaanan o mga teknika, upang mapaliit o matanggal ang mga pinagmumulan ng mga materyal na maaaring mag-apoy na maaring umunlad upang maging sunog sa gubat.Habang nasusunog ang ilang mga sunog sa gubat sa malalayong mga rehiyong magubat, nakasasanhi ang mga ito ng malaki at malawak na pagkasira ng mga tahanan at iba pang mga pag-aaring nakalagay sa hangganan ng kagubatan o kanayunan at kalunsuran: isang sona ng pagpapalit o pagbabago sa pagitan ng mga pook na maunlad at hindi pa napapaunlad na mga kasukalan.

KONTING KAALAMAN TUNGKOL SA WILDFIRE:

  1. 90% of all wildfires are started by humans.
  2. One of the largest fires in recent history was in 1825 when a fire tore through Maine and New Brunswick, Canada, burning 3 million acres of forest.


    Leave a comment